Friday, March 27, 2009

Unanswered Questions

.

We oftentimes have questions in mind but always left unanswered. Maybe we prefer not to give our own answers for we are afraid to know the Real Answer!! Instead, we kept those things from other people, it's just between you and your inner self.

> 'naranasan mo na bang magmahal ng sobra sobra? higit sa sarili mo? halos sa kanya na umikot ang mundo mo? pero bigla mo na lang ma-rerealize na kaw lang pala ang nagmamahal ng ganun?
> 'sa lahat ng bagay sya ang priority mo? lagi mo sya sinasama sa mga plano mo? pero kahit kailan di mo naramdaman na kaw ang priority nya kahit minsan?
> 'kahit minsan ba di mo nasabi sa sarili mo na napapagod ka na magmahal? pagod ka na ayusin ang mga bagay na kahit anong gawin mo ay kailanman di na pala kayang ayusin? na baka ikaw lang talaga ang nagpipilit ayusin ang mga bagay na matagal mo na palang dapat binitiwan? pero dahil nagmamahal ka okay lang sa yo ito.
> 'kahit ano pang-unawa ang gawin mo, kahit marunong ka makipag-compromise, at ikaw ang laging nag-aadjust,ikaw pa rin ang laging mali, ang laging kontrabida, nakakarinig ka pa na napakahirap mo umunawa?
> 'kahit malungkot ka o kaya naman ay nasasaktan, nagagawa mo pang itago ito sa karamihan dahil gusto mo ipakita sa kanila na masaya ka sa buhay na pinili mo? na tila wala ka dinaramdam kung alam lang nila ang totoo mong nararamdaman?
> 'naramdaman mo na ba kung sino pa ang taong akala mo ang magbibigay ng saya at importansya sa iyong buhay ay sya pa ang nagdudulot ng sakit at kalungkutan sa iyo?
> 'na akala mo importante ka sa kanyang buhay, akala mo nag-aalala sya sayo, iniisip nya kung ano ang nararamdaman mo, na mahalaga ka sa kanya? pero mali pala ang lahat ng akala mo dahil sa bandang huli ikaw lang pala talaga mag-isa!
> 'minsan ba naitanong mo sa iyong sarili "pano kung di sya ang pinili mo, magiging masaya ka kaya?" o "tama kaya ang desisyon mo na ibigay ang buong buhay mo sa kanya?"

0 comments

 

Recent Posts

Followers

♥ My Blog Vitals ♥