Tuesday, March 10, 2009

All about L O V E

.




Love...love...love..
Love is the sweetest word i know. It's our fave subject when it comes to "kwentos" with friends. There are different kinds of love but sometimes it's difficult to differentiate one from the other. Sometimes we really don't know what kind of love we have, as long as we're happy. Sometimes we do pretend that we are in love or someone loves us, well in fact, it's the other way around..

I have read some quotes about love but sadly it's not translated in English...but for those who can fully understand in Tagalog.. This is funny but it's true..

1.sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung...pasayahin mo siya sa piling ng taong mahal niya?

2.masakit sa kalooban ang lokoihn ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas masakit sa kalooban ang...gamitin ka lang niya.

3.Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?

4.Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo...lahat gagawin mo...pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo...ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?

5.bakit kaya minsan minamahal natin yung taong bawal mahalin? nakakainis di ba? bakit sila pa? ang dami naman dyan...bakit kaya...ikaw pa?

6.minsan, kapag mahal mo, kahit magkamali, tahimik ka lang - kahit sobrang sakit na.. kailan ko kya masasabi sayo na mahal kita at sinaktan mo ako?

7.bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yun iba para lang makuha yun? pero pag nandyan na, saka mo lang malalaman.. na yung taong iniwan mo ay minsan na ring..iniwan ang lahat lahat sa buhay para lang sayo.

8.Magmahal....Marunong ako nun..Yung tipong t@nga ka na, cge pa rin..Pero sa bandang huli, itatanong mo...T@nga ba talaga ako???? O mahal lang talaga kita??

9.Masakit pag iniwan ka ng taong mahal mo...Mas masakit pag nakita mo sya na may mahal na syang iba..Pero ang sakit sakit pag nakita mo syang maligaya...maligaya sya kse wala ka na..

10."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

11."Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

12."Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

13."Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

14."Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

15."Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

16."Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

17."Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

18."Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

19."Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

20."Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

21. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

22. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

23."Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
24. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

25. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

26. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

27. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
28. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

0 comments

 

Recent Posts

Followers

♥ My Blog Vitals ♥